Support Groups Para Sa’yo Filipinas
Biktima ka ba ng “online romance scammer”?
Pwede ka naming matulungan kung nanaisin o gugustuhin mo.
Matutulungan ka namin at mabibigyan ng mga impormasyon sa mga kayang gawin at mga hindi kayang gawin ng mga ” scammers”.
Mabibigyan ka namin ng kaalaman sa kanilang mga kasinungalingan nang sa gayon ay maiwasan mo ito sa hinaharap.
Matutulungan ka namin sa aspetong emosyonal at maaaring bigyan ng ligtas na lugar kung nanaisin kung saan pwede kang maka-recover.
Maaari kang matuto mula sa ibang biktima, at tulungan ang iyong sarili na makalimot mula sa iyong naranasan na trauma mula sa mga “scammers”.
May espesyal at ekslusibo tayong grupo para lang sa mga Filipina sa Facebook.
Tara na at sama sama tayo at kapit kamay nating labanan ang mga ” scammers online”!
https://www.facebook.com/groups/RSN.Pinoy.Philippines.Support.Group/
Thank You Lhora!
Filipinas dumating na tayo sa kritikal na punto na siguradong makakaapekto sa ating lahat na nasa Facebook.
It is obvious na pinoprotektahan ng Facebook ang mga scammers online, tinatanggal nila ang mga datos ng mga scammers na ito sa SCARS. Ang SCARS ay isang page na lumalaban sa mga “online fraudster”.
Walang pakialam ang Facebook sa mga nabibiktima ng mga manloloko gamit ang kanilang website
Ngayon ang tanong namin sa ‘yo.
Uupo ka na lang ba diyan at walang gagawin at magbibingi-bingihan o tatayo ka at sasamahan kami sa laban naming ito upang makatulong sa mga biktima ng mga ” online scammers ” at higit sa lahat mapatigil ang masamang gawaing ito online??
Don’t just click “like”.
Oras na para tumulong, ang magtulungan!
Panahon na.
ITIGIL ANG ONLINE SCAMMING.
Feel free to share this.